Assessment and Certificate

Paano kumuha ng TESDA National Certificate (NC) or Certificate of Competency (COC)?

Ang mga nag-aral sa TESDA ay kailangang mag-apply ng assessment upang malaman kung may natutunan ka sa kinuha mong TESDA courses. Kapag nakapasa ka sa assessment competency standards na ito, bibigyan ka ng TESDA National Certificate (NC) o Certificate of Competency (COC). Ito ang katibayan na ikaw ay isang certified TESDA passer at qualified sa mga trabaho na iyong papasukan sa PIlipinas man o abroad.

Ang TESDA assessment examination ay ginagawa upang malaman kung ang isang TESDA graduate o worker ay karapatdapat sa kanyang papasukang trabaho,

Here are the Steps to Apply for TESDA Assessment and Certifications:

STEP 1. Pumunta sa pinaka-malapit na TESDA Accredited Assessment Centers/TESDA District or Provincial Office sa inyong lugar at mag-apply ng assessment.

STEP 2. I-pass ang mga sumusunod na requirements sa assessment center:

  • Duly accomplished Application Form;
  • Properly and completely filled out Self Assessment Guide of your chosen qualification;
  • Three (3) pieces of colored and passport size picture, white background, with collar and with name printed at the back;

STEP 3: Bayaran ang assessment fee sa Assessment Center at kunin ang official receipt at Admission slip.

STEP 4: Tingnan ang iyong admission slip kung kailan ang assessment date at kung saan ang venue ng assessment exam. Note: Huwag kalimutang idala ang iyong admission slip.

STEP 5: Kunin ang Competency Assessment Result Summary (CARS) sa Assessment center.

STEP 6: Ang mga Assessment passers ay kailangang mag-apply ng certification sa TESDA District/Provincial Office.

STEP 7: Makukuha ang TESDA National Certificate (NC)/Certificate of Competency (COC) makalipas ang seven (7) working days ng mga assessment passers na nag-apply ng certification.

IMPORTANT:

  • Idala ang Assessment Results (CARS), Official Receipt issued by Assessment Centers and valid Identification Card (ID) kapag kukunin ang mga certificate.
  • Ibibigay lamang ng TESDA ang certificate directly sa applicant.
  • Kapag kukunin naman ng representative ang certificate, kailangang magdala ng Special Power of Attorney (SPA).

View Comments

This website uses cookies.