Scholarship Program

TESDA Food Processing NC II (No Tuition Fee)

Ang TESDA Food Processing NC II course ay ang pag-aaral sa paggawa ng mga processed food products sa pamamagitan ng pagso-salting, curing, smoking, drying, fermentation, pickling, at sugar concentration.

Paano mag-apply sa TESDA Food Processing NC II Free Training na ito?

  1. Para sa mga gustong mag-enroll sa free training na ito, pumunta lamang sa office ng TESDA Pasay Makati District Training and Assessment Center (PMDTAC) –NCR , na matatagpuan sa Bldg. 15, Gate 2, TESDA Complex, East Service Road, SLEX, Taguig City.
  2. Isubmit ang mga sumusunod na requirements:
    • Accomplished Learner’s Profile
    • 6 pcs. Passport side ID Picture with name tag
    • Transcript of records / College Diploma (for College Level/graduate)
    • Birth Certificate
    • Marriage Certificate (if applicable)

Pwede ring mag-register sa link na ito: Online Registration Link

Para sa karagdagang detalye, maaaring ma-contact ang PMDTAC sa:

  • email: pmdtac@tesda.gov.ph
  • mobile no.: +639688524038

Para sa mga malalayong lugar at gustong pag-aralan ang Food Processing ng libre, may isa pang programa ang TESDA na kahit nasa malayong lugar ka ay pwede kang makapag-aral. Ito ay ang TESDA Online Program, maraming courses ang pwede mong pag-aralan dito.

This website uses cookies.