Marami sa atin ang gustong mag-enroll at mag-aral sa TESDA ngunit hindi alam kung ano ang unang hakbang na gagawin. Sa post na ito, ituturo namin kung paano nga ba mag-enroll sa TESDA.
Ang mga TESDA courses ay ino-offer ng mga TVI o Technical Vocational Institutions. Ito ang mga school o training centers na authorized para magturo ng mga TESDA courses. Narito ang mga basic requirements para makapag-enroll:
Pumunta sa pinaka-malapit na TESDA Training Centers sa inyong lugar at itanong kung available ba ang gusto mong course. Maaari ding i-search dito ang mga course at training centers na malapit sa inyo. (TESDA Registered Program)
Humingi ng requirements slip sa Registrar or Guidance office.
Sumailalim sa entrance examination o profilling upang malaman kung physically at mentally fit ka ba sa course na iyong napili.
Ipasa ang mga requirements at hintayin ang tawag kung kelan magsisimula ang napili mong course.
Requirements sa TESDA:
Filipino Citizen
NSO / PSA Birth Certificate
High School Diploma or ALS certificate
Form 137 / Transcript of Records (TOR)
Passport size & 1×1 ID Pictures (White Background with Collar)
View Comments
PWEDE BA AKONG MAG ENDROLL NG TM2?
PWEDE BA AKONG MAG ENDROLL NG TM2 THROUGH ONLINE CLASS?