Ang TESDA Online Program o TOP ay isa sa mga programa ng TESDA upang mas maraming Pilipino ang matuto kahit nasa malayong lugar. Hindi mo na kailangang pumasok araw-araw sa TESDA training centers para mag-aral dahil kahit nasa bahay ka lang ay pwede ka ng matuto.
Ang programang ito ay ginawa para sa mga studyante, under-graduate, tambay, local and overseas workers, at mga Professional na gustong mag-aral sa TESDA.
Kahit anong oras ay pwedeng mag-aral sa TESDA Online Program. Maganda itong opportunity lalo na sa mga walang oras pumasok sa mga training centers o yung mga may trabaho at gabi lang ang free time nila.
Mabibigyan ka ng Certificate of Completion kung natapos mo ang isang course. At kung sa palagay mo ay ready ka na, maaari ka ng kumuha ng face-to-face assessment para makakuha naman ng National Certification sa mga TESDA accredited assessment center or venue.
1. Pindutin ang TESDA Sign-up Page.
2. I-fill up ang registration form gaya ng pangalan, tirahan, email address (yahoo/gmail) at huwag kalilimutan ang Username at Password.
Note: Ang Username at Password ang gagamitin mo para ma-access ang mga online course. Mabuting isulat ito sa papel o isave sa iyong cellphone upang hindi makalimutan.
3. Mag-Agree sa Privacy Disclaimer , i-check ang “I’m not a Robot” at pindutin Create my New Account.
4. Hintayin ang confirmation link na ipapadala sa email address na iyong nilagay sa form. Pindutin lamang ito at pasok ka na sa TESDA Online Program.
FREE Courses Relevant to COVID-19 Management
Information Technology
Tourism
Housekeeping
Cookery
Electronics
Agriculture
Automotive
Heating, Ventilation and Air Condition
Trainers Methodology I
Trainers Methodology II
Health, Social and other Community Development Services
This website uses cookies.
View Comments
Sana Maka enrollment Po ako sa online lang Po kahit kasambahay lang Po ako at depende Po ako Maka online hope merun avaible pa Saturday Po.