Ang TESDA Beauty Care NC II ay ang training upang mahasa ang iyong skill sa beauty care services na magagamit sa mga salon at spa. Ituturo sa course na ito ang mga proper removal of ingrown nails na kadalasang ginagawa sa pedicures at manicures. Kasama rin dito ang hand & foot spa, body scrub, facial treatment, at facial make-up.
Ang mga estudyanteng mag-eenroll sa course na ito ay kailangang mag-aral ng minimum na 1,098 hours.
Ang mga requirements upang makapag-aral sa TESDA ay ang mga sumusunod:
Ang mga requirements na ito ay maaring madagdagan, naka-depende ito sa mga TESDA training schools o center na iyong pag-eenrollan. Basahin dito ang buong proseso kung paano mag-aral sa TESDA.
Ang mga nakapagtapos sa mga course ng TESDA ay kailangang sumailalim sa Assessment upang makakuha ng National Certificate (NC). Ibibigay ang certificate sa mga makakapasa sa assessment, dito masusubok kung talagang may natutunan ang enrollee sa course na ito.
Alamin dito kung Paano kumuha ng TESDA National Certificate (NC) or Certificate of Competency (COC)?
Ang mga nakapag-aral at nakatapos ng TESDA Beauty Care NC II Course ay maaaring maging isang Beautician at Make-up artist sa mga salons at spas. Maaari din silang mag-apply na makapagtrabaho sa abroad.
Ang TESDA ay nag-aalok ng mga scholarship program tulad ng:
Ilan sa mga scholarship na ito ay may libreng tuition fee, assessment fee, starter toolkits at mga allowances tulad ng book, PPE, Internet at daily student allowance.
Kung gusto mong maging scholar, itanong lang sa pinaka-malapit na TESDA training center sa inyong lugar kung may available na scholarship sa napili mong course.
Maari ding magregister sa Online Application System for Scholarship Programs.
This website uses cookies.