Ang TESDA Driving NC II ay isa sa mga popular na course ng TESDA dahil mabilis lang matapos ang course na ito.
Sa pamamagitan ng course na ito, ikaw ay sasanayin upang magkaroon ng kakayahan na makapagdrive ng sasakyan . Ikaw din ay tuturuan ng basic maintenance para sa sasakyan at bibigyan ng kaalaman tungkol sa traffic rules and regulations.
Ang pag-aaral ng Driving NC II sa TESDA ay napakalaking tulong para sa mga gustong maging Profesional Driver. Marami kang matututunan sa course na ito tulad ng mga:
- How to apply appropriate sealant or adhesive
- How to move position vehicle;
- Perform mensuration and calculation;
- Read, interpret, and apply specifications and manuals;
- Applying and using a lubricant or coolant
- How to perform shop maintenance;
- How to drive light vehicles
- Obey traffic rules and regulations; and
- How to implement and coordinate accident-emergency procedures.
- Pumunta sa pinaka-malapit na TESDA Training Centers sa inyong lugar at itanong kung available ba ang gusto mong course. Maaari ding i-search dito ang mga course at training centers na malapit sa inyo. (TESDA Registered Program)
- Humingi ng requirements slip sa Registrar or Guidance office.
- Sumailalim sa entrance examination o profiling upang malaman kung physically at mentally fit ka ba sa course na iyong napili.
- Ipasa ang mga requirements at hintayin ang tawag kung kelan magsisimula ang napili mong course.
Minimum Requirements sa TESDA:
- Filipino Citizen
- NSO / PSA Birth Certificate
- High School Diploma or ALS certificate
- Form 137 / Transcript of Records (TOR)
- Passport size & 1×1 ID Pictures (White Background with Collar)
- Certificate of Good Moral Character
- Medical Certificate
TESDA Driving NCII Scholarship Program
Maraming TESDA training centers ang naghahanap ng mga scholars na gustong mag-aral ng Driving NC II. Itanong lang sa pinakamalapit na traning centers sa inyong lugar kung may mga available silang scholarship program.
Pwede rin po kayong magregister sa link na ito: https://t2mis.tesda.gov.ph/Barangay para po makapag-avail ng mga scholarship sa TESDA.
View Comments